dzme1530.ph

PAGGAMIT NG ON-GRID SOLAR ENERGY SYSTEM, NAIS MANDATO SA LAHAT NG NATIONAL AT LOCAL GOVERNMENT OWNED BUILDINGS AT OFFICES

Loading

Sa harap ng austerity measures na ipinag-utos ni PBBM sa lahat ng gov’t offices para mabawasan ang fuel at energy consumptions dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, isinusulong ng isang kongresista ang seryosong pag-shift sa renewable energy sources ng mga gov’t facilities upang mabawasan ng malaki ang dependence sa imported oil.

 

Ayon kay Abra Lone Dist. Rep. JB Bernos, hindi ito ang huling pagkakataon na magmamahal ng todo ang petrolyo dahil sa limitadong supply.

 

Sa kanyang House Bill No. 3126 o On-Grid Solar Energy System Bill, iminamandato ang paggamit ng on-grid solar energy system sa lahat ng national at local gov’t-owned buildings and offices.

 

Ang mga gov’t agencies ay nire-require ang 20% average monthly utilization (AMU) bilang on-grid solar energy sa unang taon ng installations.

 

Taun-taon aakyat ito ng 20% hanggang sa abutin ang 100% AMU sa ikalimang taon ng pagkaka-install ng renewable sources.

 

Ayon pa kay Bernos, pababa na ngayon ang presyo ng solar panel technology, kung saan maging sa ordinaryong tahanan ay puwede na ring gamitin dahil ang lifespan nito ay nasa 25 to 30 years na rin.

About The Author