dzme1530.ph

Paggamit ng emergency cell broadcast system sa pangangampanya, dapat itigil

Loading

Iginiit ni Sen. Grace Poe na dapat itigil ang paggamit ng emergency cell broadcast system (ECBS) sa pangangampanya.

Nangangamba si Poe na ang paggamit ECBS sa kampanya ay posibleng makasira sa kredibilidad ng emergency alert system.

Bukod dito ay maaari rin anyang magdulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko lalo na kung ito ay ma-hack o magamit sa pagpapakalat ng pekeng balita.

Kaugnay nito, pinakikilos ng senador ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno kasama ang telecommunication companies upang tugunan ang kahinaan ng sistema upang hindi maabuso ng mga may masasamang intensyon.

Dapat aniyang hanapin at kasuhan ang mga nasa likod ng maling paggamit ng sistema.

About The Author