![]()
Aprubado na ng Department of Transportation ang paggamit ng electronic driver’s license o e-license sa mga traffic violations, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na padaliin ang proseso nang hindi isinasantabi ang batas-trapiko.
Ayon kay acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, legal ng maipapakita ng mga motorista ang kanilang e-license sa mga enforcer gamit ang Land Transportation Management System o LTMS, kaya hindi na kailangang mag bitbit pa ng pisikal na lisensya.
Nakasaad sa Department Order No. 2023-015 na inaaatas sa LTO law enforcers na tanggapin ang e-license bilang valid na pagkakakilanlan ng mga motorista.
Hindi na rin kailangan pang kumpiskahan ang actual license ng mga ito.
Bukod dyan, ang mga motoristang mabibigyan ng ticket o temporary operator’s permit ay maaari na ring mag bayad ng multa online.
Binigyang-diin ng LTO na ang tanging tatanggaping e-license ay yung may access sa LTMS o eGov PH app at hindi screenshot o photocopy.
