dzme1530.ph

Paggamit ng cellphones, social media sa mga pasilidad ng BuCor sa buong bansa, ipagbabawal

Tiniyak ng Bureau of Corrections na mapanatili ang propesyonalismong seguridad sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sinabi ni BuCor Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr. na ipapatupad ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone at lahat ng social media platforms sa lahat ng pasilidad ng BuCor sa buong bansa.

Ang nasabing direktiba na nagbabawal sa pagamit o ang no cellphone policy ay upang mabawasan ang posibleng destruction at maprotektahan ang integridad sa mga operasyon sa loob ng institusyon.

Inatasan ni Catapang ang lahat ng mga superintendent, direktor ng nagpapatakbo ng mga bilangguan, at mga leader ng mga tanggapan na tiyakin ang pagsunod sa mga patakaran na ito.

Binigyang-diin nito na ang sinumang tauhan na mapatunayang lumalabag sa mga bagong regulasyon hinggil sa paggamit ng social media ay mahaharap sa administrative sanction. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author