dzme1530.ph

Paggamit ng card, e-wallets, sa LRT at MRT, malaking kaluwagan sa mga pasahero

Loading

Pinatitiyak ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Transportation at sa management ng LRT at MRT na tiyakin ang maayos na implementasyon ng pagbabayad ng pamasahe sa pamamagitan ng card at e-wallets.

Sinabi ni Gatchalian na mahalagang hakbang ito upang mapadali ang karanasan ng mga commuter.

Sa pamamagitan aniya nito ay mababawasan ang oras sa paghihintay, mapapabilis ang pagsakay at mapapaganda ang overall travel ng mga commuter.

Pinatitiyak din ng senador ang seguridad sa pagpapatupad ng paggamit ng e-wallets sa pamamagitan ng pagresolba sa mga panganib na mabiktima ng fraud at unauthorized access.

Kailangan aniyang tiyaking ligtas at maayos ang paggamit ng e-wallets para sa lahat ng commuters.

Hinihikayat din ni Gatchalian ang pamahalaan na patuloy na gamitin ang makabagong teknolohiya para sa mas episyenteng serbisyo sa transportasyon.

About The Author