dzme1530.ph

Paggamit ng blurred mugshots ni Quiboloy at 4 na kapwa akusado, sinagot ng PNP

Sinagot ng PNP ang mga puna ng netizens kung bakit naka-blur ang mga mugshots ni Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, bilang pagtugon sa utos ng Commission on Human Rights (CHR), hanggat maaari takpan ang mukha ng mga akusado sa pamamagitan ng pag-blur sa mugshots ng mga ito bilang proteksyon sa kanilang dignidad.

Aniya, ganito rin ang prosesong ginagawa ng pulisya sa iba pang nahuling indibidwal sa mga nakalipas na operasyon.

Samantala, bagamat balot ang mukha ng mga akusado, tiniyak ni Fajardo na sila ang iniharap sa pressscon ng PNP at DILG kahapon.

Hiling din umano ng lima na takpan ang kanilang mukha na pinagbigyan naman ng PNP. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author