Sinuspinde ng Malakanyang ang paggagawad ng career executive (CES) rank sa graduates ng National Defense College of the Philippines (NDCP).
Sa ilalim ng Memorandum Circular no. 35 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, inilabas ang moratorium sa pagpapatupad ng Executive Order no. 145, na nagtakda sa pagbibigay ng CES rank sa mga nagtapos ng Master in National Security Administration Program sa NDCP, na inappoint sa CES positions.
Ito ay upang bigyang daan ang muling pag-aaral at reassessment sa polisiya.
Sinabi sa memo na kailangang i-reevaluate ang nasabing polisiya upang matiyak na ito ay sumasalig sa mga batas, panuntunan, at regulasyon.
Binigyang-diin din na ang stratehiya sa good governance at bureaucratic efficiency sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028, ay ang pagtitiyak ng competent human resources sa gobyerno kabilang ang pagpapalakas sa CES ranks sa pamamagitan ng pag-uupdate sa mga programa nito, at pag-develop ng bagong competency framework para sa public sector.
Kaugnay dito, sa loob ng 60 araw ay pinagsu-sumite ang career executive services board ng comprehensive report at rekomendasyon kung kailangan na bang bawiin ang moratorium o tuluyan nang ipawalang-bisa ang EO 145. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News