dzme1530.ph

PAGDIRIWANG NG EID’L FITR, INIATRAS NG BANGSAMORO PEOPLE BUKAS

Loading

Inatras ng Bangsamoro people ang pagdiriwang nila ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan bukas, March 21.

 

Ito ay matapos na walang lumitaw na crescent moon na simbolo ng kanilang selebrasyon.

 

Ipinaliwanag ni Sheik Abdulrauf Guilani, Grand Mufti ng Bangsamoro, na ang moon-sighting activity ay mahalaga sa kanilang religious practice.

 

Sa pagtatapos ng Ramadan, tradisyon ng mga Muslim na magdiwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pagsasagawa ng acts of charity at family gatherings.

 

Mananatili namang regular holiday ngayong araw na ito matapos itong maideklara na ng Malakanyang.

About The Author