dzme1530.ph

Pagdinig sa POGO operations, nagpapatuloy ngayong araw

Umarangkada na ang ika-15 na pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kaugnay sa POGO Operations.

Bukod kina Alice Guo, Shiela Guo, Cassandra Li Ong, Tony Yang, present din sa pagdinig si dating PNP chief Benjamin Acorda.

Matatandaang sa nakaraang pagdinig iprinisinta ng kumite ang ilang larawan nina Yang, kasama rin ang kapatid ni Alice Guo na si Wesley Guo kasama si Acorda.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na hindi nila maaaring balewalain ang documentary na inilabas ng Al Jazeera kaugnay sa posibilidad ng pagiging foreign spy ni Alice Guo.

Kinumpirma ni Hontiveros na nakausap ng kanilang staff si She Zhijiang sa pamamagitan ng Philippine embassy sa Thailand, ngunit for diplomatic reasons, ay hindi ito napaunlakan at hanggang ngayon ay nag-aantay pa ng abiso ang ating embahada mula sa DFA.

Sa pamamagitan ng Al Jazeera at ilan pang mga kaibigan na tumulong tumawid, nakontak ng kampo ng senador ang Yatai Corporation na nakabase sa Myanmar subalit tumanggi ring makausap si She Zhijang.

Sa pagsisikap ang mga tauhan ni Hontiveros nakausap nila ang dating kasamahan sa selda ni She Zhijang na si Wang Fugui at may hawak ng lahat ng files kasama umano ng files ni Guo Hua Ping.

Habang patuloy aniya ang imbestigasyon kaugnay sa posibilidad ng pagiging espiya ni Guo, ang malinaw ngayon ang POGOs ay gumamit ng LGU officials at law enforcement at posibleng ginamit din sila ng may foreign interests. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author