Umarangkada na ang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court.
Ayon sa chairperson ng kumite na si Sen. Imee Marcos pakay ng pagdinig na linawin ang kaugnayan at papel ng International Criminal Court kasama na ng International Criminal Police Organization (Interpol) at iba pang ahensya sa pag-aresto sa dating Pangulo.
Layun din ng pagdinig na alamin kung naprotektahan ang mga karapatan ng dating Pangulo sa pag-aresto sa kanya noong Marso 11.
Kabilang sa mga present na resource persons sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla; Defense Sec. Gilberto Teodoro; DILG Sec. Jonvic Remulla; PNP chief Pol. Gen. Francisco Marbil, CIDG Dir. Pol. Maj. Gen. Nicolas Torre; National Security Adviser Eduardo Ano.
Sa kanyang opening speech, binatikos ni Marcos ang pag-aresto sa dating Pangulo sa sarili nating bansa.
Binigyang-diin ng senador na ang hustisyang ipinapataw ng dayuhan ay hindi maituturing na hustisya kundi pagkontrol.
Ipinaalala ni Marcos na hindi dapat natin isinusuko ang pagiging Pilipino.