dzme1530.ph

Pagdinig sa kaso ni Pastor Quiboloy, itinakda na ng Senado

Nakatakda nang paharapin sa Senado si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Kinumpirma ni Senate President Francis Escudero na inaprubahan na niya ang hininging permiso ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na gamitin ang plenaryo para sa imbestigasyon sa mga reklamo at kasong kinakaharap ni Quiboloy.

Hindi naman binanggit ni Escudero kung kailan isasagawa ang pagdinig pero malamang aniya ay itatakda ito bago ang resumption o muling pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre 4.

Samantala, hindi naman kontra ang Senate President pagdating sa usapin ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ni Quiboloy para tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Ipinaalala ni Escudero na ministerial ang mandato ng Comelec na tumanggap ng mga aplikasyon para sa kandidatura. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author