Nanindigan ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na hindi siya dadalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw kaugnay ng umano’y paglabag sa prangkisa ng TV network na SMNI.
Nagpadala ng sulat ang kontrobersyal na Pastor na nagsasaad ng hindi niya pagsipot sa hearing ng House Committee on Legislative Franchises hinggil sa umano’y mga paglabag ng SMNI kung saan siya ang Honorary Chairman.
Sa harap ni dating pangulong Rodrigo Duterte at ilang vloggers, sinabi ni Quiboloy na hindi siya haharap sa Kongreso kung saan hindi aniya patas ang laban, dahil maari siyang ipa-contempt at ipakulong ng mga mambabatas.
Naghamon din ng debate ang religious leader tungkol sa kahit anong paksa basta gagawin aniya ito sa labas ng Kongreso.