dzme1530.ph

Pagdinig sa Gentleman’s Agreement ni dating pangulong Duterte sa China, ikinakasa na ni Sen. Marcos

Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na inihahanda na niya ang talaan ng mga taong iimbitahan sa pagdinig sa sinasabing Gentleman’s Agreement na pinasok ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay sa West Philippine Sea.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs na target nilang isagawa ang pagdinig sa lalong madaling panahon dahil nagiging kontrobersiyal na masyado ang usapin.

Hindi pa naman nakakapagdesisyon si Marcos kung may pangangailangang paharapin sa pagdinig ang dating pangulo.

Hindi rin inaalis ng mambabatas ang posibilidad na gawing executive session ang kanilang pagdinig para mas mabusising maigi ang isyu.

Ipinaliwanag ng senador na palagian namang opsyon ng isang kumite na mag-convene sa isang executive session kung talagang may mga impormasyon na hindi pwedeng isapubliko.

gayunpaman, mas nais ng mambabatas na manatiling bukas sa publiko ang gagawin nilang hearing.

 

About The Author