dzme1530.ph

PAGDINIG SA 289-MILLION PESO MALVERSATION CASE NI ZALDY CO, SISIMULAN NG SANDIGANBAYAN SA MARCH 3

Loading

Sisimulan ng Sandiganbayan 6th Division ang paglilitis kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at 15 pa niyang co-accused sa kasong malversation sa March 3.

 

Kaugnay ito sa umano’y substandard na 289 million pesos na flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

 

Ayon sa Anti-Graft Court, sa hearing sa March 3 at 5, magkakaroon ng presentation of evidence ang panig ng prosekusyon.

 

Itinakda rin ang tuloy-tuloy na pagdinig tuwing Martes at Huwebes, ganap na alas otso y medya ng umaga.

 

Idinagdag ng korte na natapos na ang mga pagdinig sa inihaing bail petition ng siyam sa mga akusado makaraang sabihin ng prosekusyon na wala na silang ipi-prisintang testimonial evidence.

About The Author