dzme1530.ph

Pagdinig ng Senado sa pagkaaresto kay dating Pangulong Duterte, nilangaw

Loading

Tulad ng inaasahan, mga bakanteng upuan ang nakita sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang hindi na dumalo ang mga opisyal ng gobyerno makaraang magpadala ng sulat si Executive Secretary Lucas Bersamin sa Senado na iniinvoke ang executive privilege upang hindi na humarap ang mga miyembro ng gabinete.

Sinabi ni Senate Committee on Foreign Relations chairperson Imee Marcos na maiiwasan man ngayon ng mga opisyal ng gobyerno ang pagdinig ngayong araw ay darating naman din aniya ang araw ng paniningil.

Iginiit ng senador na ang katotohanan ay parang anino na kahit saan ka tumakbo ay hindi maiiwasan kasabay ng pahayag na walang liwanag kung walang magpapaliwanag.

Binigyang-diin ni Marcos na pagkakataon sana ng mga opisyal ng gobyerno ang pagdinig upang ipaliwanag ang lahat ng isyu.

Samantala nagbabala si Sen. Ronald Bato dela Rosa na posibleng humantong sa constitutional crisis ang hindi pagdalo ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni dela Rosa na sa pamamagitan ng pang-iisnab sa pagdinig ay pagtalikod ng mga opisyal sa checks and balance kasabay ng rekomendasyon na isyuhan ng subpoena ng kumite ang lahat ng mga resource persons na hindi dumalo.

Nanghihinayang naman si Sen. Christopher “Bong” Go na hindi humarap ang mga opisyal ng gobyerno sa pagdinig kasabay ng paliwanag na malinaw sa nakalipas na pagdinig na nalabag ang karapatang pantao ng dating Pangulo.

Iginiit pa ni Go na dapat umaksyon ang gobyerno upang maibalik na ang dating Pangulo sa bansa dahil marami ang nangungulila at nalulungkot.

About The Author