dzme1530.ph

Pagdedeklara ng State of Traffic Calamity sa Metro Manila, hindi kailangan

Nanindigan si Sen. Grace Poe na hindi kinakailangan ng pagdedeklara ng State of Traffic Calamity sa Metro Manila dahil sa araw-araw na itong nararamdaman at nararanasan.

Sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na ang dapat gawin ng gobyerno ay makinig, ikunsidera at ipatupad ang mga rekomendasyon ng mga eksperto sa paglutas sa problema sa traffic congestion.

Idinagdag ni Poe na umaabot sa ₱3.5-B ang dinudulot na economic losses kada araw dahil sa masikip na trapiko sa kalakhang Maynila na malinaw aniyang isang krisis na dapat tugunan.

Iginiit ng senador na bukod sa mga karagdagang kalsada, kailangan ding maisaayos at mapalawk ang mass transit o mass transport system

Kaugnay naman ng panukala na dahan dahang ay gawing electric vehicles ang mga public bus sa EDSA Busway, sinabi ni Poe na ginagamit na sa maraming bansa ang Public Electric Vehicles at malaki ang maitutulong nito sa pagpapaganda ng kalidad nng hangin.

Subalit dapat aniyang may kaakibat na plano kung paano makakatulong o makapagbibigay ng subsidy ang gobyerno sa mga maapektuhan.

About The Author