dzme1530.ph

Pagdami ng scam calls, ikinabahala ng isang senador

Loading

Nababahala si Sen. Grace Poe sa muling pagtaas ng scam calls sa unang quarter ng taon sa kabila ng implementasyon ng SIM Registration Law at pagbabawal sa operasyon ng mga POGO.

Kaugnay nito, muling kinalampag ng mambabatas ang mga kaukulang ahensya, telecommunications companies at iba pang stakeholders upang maglatag ng solusyon sa naglipana ngayon na call at text scams.

Nauuso ngayon sa scam calls ang voice phishing o vishing attacks na nagreresulta sa identity theft at financial losses.

Tinukoy ni Poe na nakapaloob sa batas ang nararapat na parusa sa mga taong masasangkot sa maling paggamit ng mga SIM.

Iginiit ni Poe na tiyaking mapaparusahan ang mga nasa likod ng call scams upang mapigilan ang pagpapatuloy ang kanilang iligal na gawain.

Batay sa report ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), tumaas sa 225.17%  o halos 351,700 ang kaso ng scam calls mula January hanggang March 2025 mula sa halos 108,160 cases sa kaparehong period noong nakaraang taon.

About The Author