dzme1530.ph

Pagdami ng loan scams na nambibiktima ng OFWs, dapat agad aksyunan ng gobyerno

Loading

SUPORTADO ni Senador Win Gatchalian ang babala ng Department of Migrant Workers (DMW) kaugnay ng pagdami ng loan scams na nambibiktima sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

 

Ayon kay Gatchalian, nakatuon din sila hindi lamang sa pagtulong sa mga biktima ng panlilinlang, kundi maging sa pagpigil sa iba pang mga OFW na mahulog sa parehong bitag.

 

Kaya naman hinihimok ng senador ang DMW na paigtingin ang koordinasyon sa mga awtoridad at sa Department of Information and Communications Technology upang makapagpatupad ng mas matibay na mga proteksyon para sa ating mga OFW.

 

Iginiit ng senador na dapat kumilos agad ang mga awtoridad upang matukoy, madakip, at mapanagot ang mga nasa likod ng mga panlolokong ito.

 

Sa gitna ng lumalalang insidente ng scam, iginiit ni Gatchalian ang kahalagahan ng mas mahigpit na kampanya laban sa mga sindikatong nananamantala sa kahinaan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

About The Author