![]()
‘See you on April 14.’
Yan ang mensahe nina Reps. Terry Ridon at House Senior Deputy Minority Leader Leila De Lima, kay Vice President Sara Duterte matapos na hindi maglabas ng TRO ang Korte Suprema.
Matatandaang dumulog si Atty. Israelito Torreon at kampo ni VP Duterte sa SC at hiniling na ihinto ang impeachment proceeding ng House Committee on Justice sa pamamagitan ng TRO.
Sa En Banc session ng Supreme Court, pinag-isa ang dalawang patisyon at inatasan ang House Committee on Justice na mag-comment sa loob ng non-extendible period of 10 days matapos matanggap ang kautusan.
Bago pa man lumabas ang SC ruling, sa X post ni Mamamayang Liberal Rep. de Lima, binatikos nito si Duterte sa pagtakbo sa SC.
Aniya “Akala siguro nila yung SC ay ‘Sara’s Court’ na pwede nila laging takbuhan para pagtakpan ang kaduwagan at pagtakas sa pananagutan.”
Dahil sa kawalan ng TRO, tuloy na tuloy ang pagdinig sa April 14 at inaasahang dadalo si Ramil Madriaga at isusumite ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na pinadalahan ng subpoena ang mga dokumento at records na kunektado kay VP Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Mans Carpio.
