dzme1530.ph

PAGDADAWIT KAY DATING HS ROMUALDEZ SA PAGBILI NG PROPERTY GAMIT ANG MGA DISCAYA, PINABULAANAN!

Loading

Walang katotohanan ang pagdadawit kay former House Speaker Martin Romualdez sa umano’y pagbili nito ng property kung saan ginamit umanong front ang pamilya Discaya.
Yan ang nilinaw ni Atty. Ade Fajardo, abogado at tagapagsalita niRromualdez, kasabay ng pagsasabing “baseless” ito.
Ayon kay Atty. Fajardo, mismong si Curlee Discaya sa testimonya nito sa house investigation noong September 2025, ay sinabi na wala siyang derektang transaksyon kay Romualdez
Sinabi pa nito na madalas ginagamit o nini-name-dropped lamang ng iba ang pangalan ni Romualdez, at kailanman hindi sila nagkaharap nito.
Ang pahayag na ito ni Discaya ay bahagi na umano ng ‘official congressional record’ at kabaligtaran sa pinalulutang na naman ngayon.

Paalala pa ni Atty. Fajardo, ang isang testimonya na pinanumpaan o under oath ay hindi maaaring i-override ng isa lamang alegasyon o espekulasyon. | Via Ed Sarto

About The Author