Kinumpirma ng Philippine Navy ang paglalayag ng Chinese research vessel na Lan Hai 101 sa eastern waters ng Palawan noong linggo.
Sa statement, sinabi ng Philippine Navy na agad niradyuhan ng maritime authorities ang foreign vessel.
Tumugon umano ang research ship ng China at idinahilan, na ang kanilang pagdaan sa eastern waters ng Palawan, ay bunsod ng masamang panahon sa kanilang orihinal na ruta.
Tumalima rin naman ang barko sa “rights of innocent passage” hanggang sa lumabas ito malapit sa Coron.
Upang matiyak ang navigational safety at sovereignty ng rehiyon, idineploy ng Western Command ang BRP Andres Bonifacio, kasama ang BRP Melchora Aquino para eskortan ang research ship ng China.