dzme1530.ph

PAGCOR, nilinaw ang partisipasyon sa Maharlika Investment Fund

Humingi ng paglilinaw ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa partisipasyon nila sa Maharlika Investment Fund (MIF) bilang investor.

Sa budget hearing sa Kamara sinabi ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na nais nilang malinawan kung ang 10% na kanilang kontribusyon sa MIF ay kukunin sa 50% na kita na kanilang nire-remit sa national government.

Inihalimbawa nito ang 5% franchise tax na kinakaltas muna sa 50% na inilalaan bilang government share.

Paliwanag ni Tengco, dapat sa 50% government share huhugutin ang ii-invest sa MIF.

Inihalimbawa nito ang projected share ng PAGCOR sa national government sa taong 2024 na nasa P36-B to P40-B.

Sa interpretasyon ng PAGCOR sa 10% na sinasabi ng batas, nasa P3.6-B to P4-B ang kailangan nilang maiaambag sa MIF.

Pinalilinaw din nito sa Department of Finance kung maaari ding gamitin ang kanilang retained earnings na naka deposito sa bangko bilang pang-invest sa MIF. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author