dzme1530.ph

PAGCOR, nagdonate ng ₱141-M na patient transport vehicles sa PCSO

Loading

Nag-donate ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng karagdagang 70 fully equipped patient transport vehicles (PTVs) na nagkakahalaga ng P141 milyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para ipamahagi sa mga kwalipikadong local government units (LGUs) sa buong bansa.

Layon ng donasyong ito na mapahusay ang access sa emergency medical transport at healthcare services, partikular sa malalayong at underserved na lugar.

Bawat PTV ay may GPS navigation system, stretcher, medical oxygen, wheelchair, at mga first aid kit upang matiyak ang ligtas at epektibong pagdadala ng mga pasyente sa mga pagamutan.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, ang donasyon ay sumasalamin sa buong suporta ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang health at emergency response system ng bansa.

About The Author