Hinikayat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na tulungan ang mga dayuhang manggagawa mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na makabalik sa kani-kanilang mga bansa.
Ayon kay PAOCC Spokesperson, Dr. Winston Casio, mayroon pang 38 POGOs na legal na nag-o-operate sa bansa, sa gitna ng POGO ban.
Una nang binigyan ang mga foreign worker mula sa POGOs ng hanggang Oct. 15 para i-downgrade ang kanilang 9G visas patungong tourist visas.
Mayroon namang hanggang katapusan ng taon ang mga dayuhang manggagawa para lisanin ang Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera