dzme1530.ph

Pagbuwag sa private armies, dapat maisakatuparan bago ang Halalan 2025

Binigyang diin ni Comelec Chairman George Garcia na lahat ng private armed groups sa bansa ay dapat malansag bago ang 2025 National and Local Elections.

Kasunod ito ng direktiba ni Interior Sec. Jonvic Remulla sa police force sa Central Luzon na buwagin ang private armed groups na maaring mag-kompromiso sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Inihayag ni Garcia na dapat mabuwag ang private armies, hindi lamang sa mga ilang lugar, kundi sa buong bansa.

Idinagdag ng Poll chief na ginagamit ng mga politiko o mga kandidato ang mga armadong grupo para makapaghasik ng lagim o kaya naman ay takutin ang mga mamamayan.

Una nang sinabi ni Remulla na target ng pamahalaan na magkaroon ng casualty-free elections sa 2025. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author