dzme1530.ph

Pagbuwag sa mga mobile phone scammer, dapat paigtingin pa!

Iginiit ni Sendor Grace Poe na panahon na upang paigtingin pa ang crackdown o pagbuwag sa mga mobile phone scammer.

Ayon kay Poe, dapat pagtuunan na ngayon ng pansin ng mga otoridad ang paghabol sa mga scammers na patuloy na nanloloko sa publiko gamit ang sim sa kanilang mobile phone.

Iginiit ng senador na wala nang puwang para maisakatuparan pa ng mga fraudsters ang kanilang modus nang hindi sila matutukoy at hindi mapapanagot.

Hindi na anya mangangapa sa dilim ang PNP kapag may nag-report ng text scam dahil rehistrado na ang lahat ng SIM.

Hamon ng senador ngayon sa law enforcers na maipakita kung paano masasampulan ang mga lumalabag sa SIM Registration Law.

Binigyang diin ni Poe na dahil sa SIM Registration Law ay mayroon na ring mekanismo at maaasahang datos ang PNP at iba pang kinauukulang ahensya para ma-monitor ang SIM related crimes.

Inaasahan na din anya ngayon ang mabilis na pag-responde sa mga sumbong para mapanatag naman ang ating mga kababayan tulad ng deactivation ng mga hindi rehistradong mobile numbers. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author