dzme1530.ph

Pagbuo ng tutor-mentor pool, isa sa mga nakikitang hamon sa pagpapatupad ng ARAL Program

Nakikita ang pagbuo ng tutor-mentor pool bilang isa sa mga pinaka-malaking hamon sa pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig Rep. Roman Romulo na sadyang kalimitan ay may “birth pain” ang bawat ipinapasang education reform.

Sa ilalim ng bagong batas, tuturuan ang mga estudyanteng hirap sa Math, Science, at sa Pagbabasa, para sa catchup o upang makahabol ang kanilang kaalaman sa pamantayan ng kanilang grade level.

Ito ay sa pamamagitan ng tutoring program na pangungunahan ng volunteer teachers, para-teachers, at pre-service teachers.

Nilinaw naman ni Romulo na mabibigyan ng compensation ang mga gurong magiging parte ng programa.

Umaasa ang Kongresista na masisimulan na ang programa sa unang bahagi ng 2025. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author