dzme1530.ph

Pagbuo ng task force sa bawat kalamidad, ‘di sapat na disaster response

Sa gitna ng epekto ng pananalasa ng bagyong Egay sa bansa, muling binigyang diin ni Senador Christopher “Bong” Go na hindi na sapat ang pagbuo lamang ng mga task force sa tuwing may mga kalamidad na dapat tugunan.

Sa makailang beses nang pahayag, muling iginiit ni Go ang pangangailangan na maipasa na ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience.

Iginiit ni Go na tumitindi na rin ang epekto ng mga kalamidad sa bansa dulot ng climate change kaya’t kailangan nang matutukan ang mga hakbang ng pagtugon sa mga ito.

Kung isang cabinet secretary level anya ang mamamahala sa mga hakbang kaugnay sa kalamidad ay mas magiging mabilis din ang pagtugon dahil madali ang koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Iginiit ni Go na hindi siya magsasawang paulit-ulit na isulong ang panukala sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience para sa kapakanan ng taumbayan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author