dzme1530.ph

Pagbuo ng super body, malaking tulong sa pagresolba ng human rights violation

Naniniwala si Sen. Chiz Escudero na malaki ang maitutulong sa pagresolba sa mga problema sa human rights violation ang nilikhang super body ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sa pagpapalakas ng human rights protection.

Sinabi ni Escudero na hindi lamang ang mga human rights violation sa nakalipas na administrasyong Marcos ang maaaring saklawin ng super body kundi maging ang mga insidente sa administrasyong Duterte.

May kaugnayan ito sa inisyung Administrative Order no. 22 ni Pang. Marcos para sa paglikha ng special committee on human rights coordination.

Ayon kay Escudero, umaasa siya na magiging ganap at tunay na maipatupad ang nilalaman at intensyon ng naturang AO para sa pagpapalawak ng proteksyon sa karapatang pantao.

Nagpahayag din ng pagsuporta si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa aksyon ng pangulo na tinawag nitong magandang ideya.

About The Author