Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagbuo ng mga hakbang upang protektahan ang banana industry sa bansa.
Ito, ayon sa Malacañang, ay upang mapangalagaan ang kabuhayan ng mga magsasaka at mapanatili ang katayuan ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado.
Inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na nag-request na ng pondo ang Department of Agriculture (DA) para tulungan sa pest and disease control ang mga plantasyon ng saging, lalo na ang mga ino-operate ng smallholder growers.
Ang hakbang ay kasunod ng panawagan ni Sen. Imee Marcos sa DA at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno na bigyan ng prayoridad ang banana production and research.
Kasabay ito ng babala ng malaking pagbaba sa market share ng bansa sa mga pangunahing destinasyon, gaya ng Japan at China.