dzme1530.ph

Pagbuo ng IPC na mag-iimbestiga sa lahat ng katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno, isinusulong sa Senado

Loading

Isinusulong ni Senate Minority Leader Vicente Tito Sotto III ang panukala na bubuo ng Independent People’s Commission.

Sa kanyang Senate Bill 1215, sinabi ni Sotto na ang kumisyon ang mag-iimbestiga sa mga anomalya sa lahat ng proyekto ng gobyerno, partikular sa mga imprastraktura.

Binigyang-diin ni Sotto na ang mga katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno mula sa mga palpak na flood control projects, mga sira-sirang classroom, hanggang sa mga sirang farm to market roads, ay hindi lamang naririnig kundi ramdam na ramdam ng mga Pilipino.

Nakasaad sa panukala na independent body ang IPC na may kapangyarihang magsagawa ng malawakang imbestigasyon laban sa mga umano’y ghost projects o overpricing at paggamit ng substandard materials sa mga proyekto ng pamahalaan.

Saklaw ng IPC ang lahat ng proyekto ng national government, local government units at government-owned-and-contolled corporations.

May kapangyarihan din silang tukuyin ang mga sangkot at magrekomenda ng mga kasong kriminal, sibil o administratibo.

Alinsunod sa panukala, ang IPC ay bubuuin ng isang retired justice ng Korte Suprema o Court of Appeals na magiging chairperson; isang CPA na may expertise sa forensic accounting; isang civil civil engineer o arkitekto, isang representante mula sa kilalang NGO at isang academician sa larangan ng public administration o economics.

Tatagal ng tatlong taon ang termino ng mga miyembro at maaari silang mareappoint ng Pangulo.

About The Author