Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng isang independent commission para imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), magsasagawa ang komisyon ng komprehensibong review sa mga proyekto at tutukoy sa mga iregularidad.
Inatasan din ang lupon na magsumite ng rekomendasyon kung sino-sino ang dapat managot sa mga nasabing anomalya.
Ang imbestigasyon ng independent commission ay sabay na isasagawa kasabay ng mga inihahandang pagsisiyasat ng Senado at Kamara.