dzme1530.ph

Pagbuo ng El Niño team vs nagbabadyang matinding tagtuyot, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang pagbuo ng El Niño team para maagang mapaghandaan ang epekto ng nagbabadyang matinding tagtuyot.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno na bubuuin ang El Niño team sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang mga kaukulang ahensya ang magiging bahagi ng team na bubuo ng mga aksyon para maiwasan ang paglala ng epekto ng El Niño.

Ipinasusuri rin ng pangulo ang long-term processes alinsunod sa protocol at siyensiya sa tulong ng Department of Science and Technology at PAGASA.

Ipinatitiyak din ng pangulo ang whole-of-government at whole-of-nation approach.

Mababatid na inactivate na ng gobyerno ang El Niño Inter-Agency Task Force upang paghandaan ang El Niño na posibleng tumama sa bansa sa Hulyo hanggang Setyembre at inaasahang tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2024. — sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author