dzme1530.ph

PAGBUO NG CRISIS COMMITTEE, IPINAG-UTOS NI PANGULONG MARCOS SA GITNA NG KAGULUHAN SA MIDDLE EAST

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng isang crisis committee sa gitna ng pagsipa ng fuel prices dulot ng kaguluhan sa Middle East.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na bago pa man mayroong nagmungkahi ay nag-utos na ang Pangulo na bumuo ng crisis committee.

Tumanggi naman si Castro na magbigay ng mga detalye hinggil sa naturang komite dahil isinasapinal pa ito, subalit tututukan nito ang pagtugon sa concerns ng mga apektado ng krisis sa Gitnang Silangan na dahilan ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa industry sources, posibleng madagdagan ng P16 hanggang P18 ang kada litro ng diesel habang P9 hanggang P11 sa gasolina, bukas.

About The Author