dzme1530.ph

PAGBUO NG COORDINATED MIDDLE EAST CRISIS COMMAND CENTER, INIREKOMENDA

Loading

INIREKOMENDA ni Senador Francis Chiz Escudero ang pagbuo ng coordinated Middle East Crisis Command Center upang matiyak ang proteksyon sa mga Filipino nasa Middle East sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

 

Sinabi ni Escudero na ang naturang command center ang tututok sa real-time monitoring, pagtukoy ng mga ligtas na ruta, at paghahanda ng evacuation assets sa mga paliparan at daungan ng mga kaibigan nating bansa.

 

Ipinaliwanag ni Escudero na kailangang matiyak ang maayos na komunikasyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang mga emergency hotlines, check-in systems, at pansamantalang tulong para sa komunikasyon, lalo na sa mga nasa high-risk areas tulad ng Israel at Iran.

 

Dapat din aniyang matulungan ang mga Pilipinong biyahero na maaaring ma-stranded sa mga paliparan dahil sa kanselasyon ng mga flight, sa pamamagitan ng malinaw na impormasyon at agarang suporta.

 

Iginiit ni Escudero na mahalagang maging coordinated ang hakbang ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

About The Author