dzme1530.ph

Pagbubukas ng S.Y. 2024-2025 sa July 29, inaprubahan na

Inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng School Year 2024-2025 sa July 29.

Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ng pangulo kay Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa Malacañang, kaugnay ng pagbubukas ng susunod na school year sa harap ng planong pagbabalik sa lumang school calendar mula Hunyo hanggang Marso.

Sa nasabing pulong, napagpasiyahan din na magtatapos ang bagong school year sa April 15, 2025.

Kaugnay dito, inilatag ng bise-presidente ang dalawang option, una ay ang pagkakaroon ng kabuuang 180 school days na may labinlimang in-person Saturday classes.

Ang ikalawa naman ay ang 165 school days na walang no in-person Saturday classes.

Iginiit naman ni Marcos na masyadong maikli ang 165-day school calendar dahil maaari itong maka-apekto sa pagkakatuto ng mga bata, ngunit hindi rin niya nais na papasukin ang mga mag-aaral tuwing Sabado dahil makaa-apekto ito sa kanilang well-being at gagamit din ito ng mas maraming resources.

Kaugnay dito, sinabi ng pangulo na mas mainam na iurong na lamang ang pagtatapos ng school year sa April 15 mula sa naunang plano na March 31, upang makumpleto ng mga estudyante ang 180 school days nang hindi kina-kailangang pumasok ng Sabado.

About The Author