![]()
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na libre hanggang Disyembre ang toll sa Aliaga-Cabanatuan segment ng Central Luzon Expressway.
Ginawa niya ang pahayag nang pangunahan ang pagbubukas ng CLLEX Contract Package 4 Aliaga-Cabanatuan Section sa Nueva Ecija.
Ang proyekto ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mabawasan ang oras ng biyahe at mapagaan ang trapiko sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na kapag bumilis ang biyahe ay mababawasan ang konsumo sa petrolyo at ang mga produktong dala ng mga trak ay hindi nagtataas ang presyo.
Sa pamamagitan ng 29.2 kilometer four lane na expressway ay mapapabilis ang biyahe mula Tarlac City hanggang Cabanatuan City at mababawasan din ang pagsisikip ng trapiko sa Daang Maharlika.
