![]()
DALAWA o higit pang resource persons ang posibleng humarap sa Senado para idetalye ang pagbili ni dating House Speaker Martin Romualdez ng bahay at lupa sa isang posh subdivision sa Makati City noong Abril 2023, kung saan ang kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya II umano ang nagsilbing “front.”
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ang mga resource persons ay dadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa isyu sa mga anomalya sa flood control projects ngayong araw ng Lunes.
Nilinaw naman ni Lacson na bagama’t hindi pinangalanan si Discaya bilang “buyer” o “vendee” sa bentahan, ang “buyer” o “vendee” ay isang korporasyon na ang pangunahing stockholder ay may “ugnayan” sa dating Speaker.
Samantala, Ipinauubaya ni Lacson kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kung dadalo o hindi sa pagdinig.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Bureau of Immigration na dumating na sa bansa si Bonoan kahapon ng umaga.
Sinabi rin ni Lacson na inimbitahan ng kumite si dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo upang magbigay-linaw sa umano’y tangkang pagkuha sa kanya sa kustodiya ng dating hepe ng pulisya na si Nicolas Torre III.
