dzme1530.ph

Pagbili ng Pilipinas ng lima pang patrol ships sa Japan, sinelyuhan na

Lumagda ang Pilipinas ng kasunduan sa Japan para sa pagbili ng limang 97-meter patrol ships na magpapalakas sa kapabilidad ng bansa sa pagbabantay ng teritoryo, sa oras na lumala ang tensyon laban sa China sa West Philippine Sea.

Ang acquisition ay sa ilalim ng 64.38-billion yen o 23.85 billion pesos na Official Development Assistance (ODA) loan arrangement ng Japan sa Pilipinas, para sa Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) phase III ng Philippine Coast Guard.

Pinangunahan nina foreign affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang signing at exchange of diplomatic notes.

Sinabi ni Manalo na patunay ito, hindi lamang nang lumalalim na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan, kundi pagbibigay diin din sa commitment na palalakasin ang maritime safety capabilities para sa kapakinabangan ng bansa at sa mas malawak na maritime community.

 

About The Author