Sapat na ani House Committee on Health vice-chair Angelica Natasha Co ang bakunang ibinigay sa publiko kontra COVID kahit pa sumulpot ang ibang variants.
Kung kaya’t binigyang diin ni Co na hindi na kailangan pang bumili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines ang gobyerno para sa pagkasa ng second booster shot sa general population.
Dagdag ni Co, sakali mang kailangan pa rin ang bivalent vaccines, maaaring 30-40 million doses na lang ang bilhin at ilaan na lamang sa vulnerable sector tulad ng healthcare frontliners, immunocompromised, senior citizens at PWDs, mga working adult, college at high school students na nakatanggap na ng isa o 2 booster.
Puwede rin aniya na isama dito ang mga kabataan na may primary dosage, inbound at outbound travelers.
Kaunod nito, iminungkahi ni Co na gawing optional ang pagbabakuna gamit ang bivalent vaccine.