dzme1530.ph

Pagbili at pagrenta ng lupa ng mga dayuhan sa Pilipinas, maaring maging banta sa food security —PAOCC

Posibleng maging banta sa food security ang pagbili at pagrenta ng lupa ng mga dayuhan sa Pilipinas, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Sinabi ni PAOCC Exec. Dir., Usec. Gilbert Cruz, na bukod sa Palawan, mayroon ding nagaganap na bentahan sa Nueva Ecija at sa iba pang mga probinsya na nagpo-produce ng bigas.

Aniya, sa una ay uupahan muna ng mga dayuhan ang lupa sa halagang P80,000 hanggang P100,000 kada ektarya.

Ipinaliwanag ni Cruz na kung ang mga dayuhan na ang magtatanim ng bigas at lahat ng pinagtatamnan sa bansa ay inuupahan nila, posibleng sila na ang magko-kontrol sa presyo ng bigas.

Inihayag ng anti-crime body na makikipag-ugnayan sila sa Department of Agriculture at Department of the Interior and Local Government hinggil sa naturang isyu.

About The Author