dzme1530.ph

Pagbibitiw ni VP Sara bilang DepEd Sec., blessing ayon sa isang Kongresista

Naging blessing pa sa Department of Education ang pagbibitiw sa pwesto ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim nito.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker David Suarez, matapos baliwalain ng bise presidente ang budget hearing para sa OVP.

Pasalamat si Suarez na nag-resigned ito dahil ganito rin tiyak sana ang sasapitin ng DepEd.

Nakakatakot ayon sa mambabatas ang pagbaliwala ni Inday Sara sa accountability dahil inilalagay nito sa piligro ang milyong guro, mag-aaral at mga paaralan.

Dahil dito palaisipan kay Suarez kung paano pinatakbo ni Duterte ang DepEd.

Nagpasalamat na lang si Zambales Rep. Jay Khonghun dahil si Sec. Sonny Angara na ang namumuno ngayon sa DepEd.

Nakita naman umano kung paano sumadsad ang kalidad ng edukasyon sa ilalim ng termino ni Sara Duterte sa DepEd. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author