Hindi pa tuluyang inaaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw ni retired judge Jaime Santiago bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, “for acceptance” pa ang resignation ni Santiago.
Gayunman, hindi na nagbigay si Castro ng iba pang mga detalye hinggil sa isyu.
Magugunitang naghain si Santiago ng kanyang irrevocable resignation noong Aug. 25.
Sa kanyang resignation letter, sinabi ng dating hukom na mayroong mga naninira sa kanya at interesado sa kanyang posisyon, kaya gumawa ang mga ito ng hakbang upang bahiran ang kanyang reputasyon.