Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasunod ng pagbibitiw ni Sec. Manuel Bonoan.
Sinabi ng Malacañang na tinanggap ni Pangulong Marcos ang resignation ni Bonoan bilang DPWH chief, epektibo ngayong Lunes, Setyembre 1, 2025.
Idinagdag ng Palasyo na inatasan si Dizon na magsagawa ng “full organizational sweep” sa DPWH at tiyakin na ang public funds ay gagamitin lamang sa mga infrastructure project ng bansa.
Samantala, in-appoint naman ng Pangulo si Atty. Giovanni Lopez bilang acting secretary ng Department of Transportation (DOTr).
Bago ang kanyang appointment, nagsilbi si Lopez bilang undersecretary for administration, finance, and procurement ng DOTr.