dzme1530.ph

Pagbibigay-prayoridad sa edukasyon sa nalalabing taon ng Marcos administration, ikinatuwa

Loading

Ikinatuwa ni Senador Bam Aquino ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyang-prayoridad ang sektor ng edukasyon sa nalalabing tatlong taon ng kanyang administrasyon.

Kasabay nito, nangako ang senador na bilang bahagi ng Senado, titiyakin niyang maisasagawa ang mga repormang ipinangako at babantayan ang maayos na implementasyon ng lahat ng batas kaugnay sa edukasyon.

Kabilang sa mga tututukang programa ang pagbuo ng mga bagong silid-aralan, pagtiyak na lahat ng paaralan ay magkakaroon ng internet connectivity, at pagbibigay ng karampatang tulong para sa mga guro.

Masaya rin si Senador Sherwin Gatchalian sa malaking oras na inilaan ng Pangulo para talakayin ang mga isyu sa edukasyon, partikular ang learning recovery programs at pagsasaayos ng Early Childhood Care and Development.

Ayon kay Gatchalian, panahon na rin upang palakasin at ayusin ang senior high school, gayundin ang mas mabilis na pagpapatupad ng mga batas gaya ng Academic Recovery and Accessible Learning Program.

About The Author