dzme1530.ph

PAGBIBIGAY NG LOCAL NAMES SA 131 FEATURES NG KALAYAAN ISLAND GROUP, IPINAG-UTOS NI PBBM

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng local names sa 131 features ng Kalayaan Island Group.

 

Layunin nito na palakasin ang kontrol ng gobyerno at bigyang-diin ang soberanya sa Palawan at sa West Philippine Sea.

 

Sa ilalim ng Executive Order 111, inatasan din ng Pangulo ang National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA na i-publish ang updated charts at maps kung saan matatagpuan ang mga pangalan ng mga bahagi ng Kalayaan Island Group.

 

Binibigyang mandato rin ng kautusan ang lahat ng ahensya ng gobyerno kasama na ang mga government-owned-or-controlled corporations at government financial institutions na gamitin ang mga pangalang ito sa kanilang mga official communications, messages at mga dokumento.

 

Pinaalalahanan din ang Department of Education, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority at lahat ng state universities and colleges na gamitin ang mga pangalan sa educational at training institutions.

 

Ang Kalayaan ang itinuturing na pinakamalaking munisipalidad batay sa territorial jurisdiction na umaabot sa 64,876 square miles.

 

Saklaw nito ang Lawak Island, Patag Island, Likas Island, Kora Island, Panata Island, Pag-asa Island at Parola Island.

About The Author