dzme1530.ph

Pagbibigay ng kapangyarihan sa Comelec na agad mag-reject ng kandidatura, delikado —SP Escudero

Nagbabala si Senate President Francis Escudero sa implikasyon ng posibleng pagbibigay ng kapangyarihan sa Commission on Elections na mag-reject ng Certificate of Candidacy.

Sinabi ni Escudero na kung ganito ang mangyayari ay posibleng magamit ng sinumang administrasyon ang Comelec laban sa mga kalaban nito sa pulitika.

Kaya naman mas pabor si Escudero na manatiling ministerial lamang ang papel ng poll body sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa kandidatura.

Ilang sektor na rin ang kumuwestyon kug bakit tinatanggap pa rin ng Comelec ang iba’t ibang klase ng personalidad na naghahain ng COC kasama na ang mga nakasuhan at nahatuluyang guilty.

Sa kabilang dako, nanawagan si Escudero sa lahat na maging mapagbantay kasabay ng paalala na marami nang paraan upang madisqualify ang isang aspirante. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author