dzme1530.ph

PAGBIBIGAY NG EDUKASYON SA KABABAIHAN, SENTRO NG TALUMPATI NI PANGULONG MARCOS SA UN

Loading

Dapat maging prayoridad ng bawat bansa ang pagbibigay edukasyon sa kababaihan dahil sila ang nagpapatatag sa pamilya at bansa.

 

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng kanyang pagkilala sa mga Pilipina bilang pundasyon sa pagpapaunlad ng bansa.

 

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa 70th Session ng United Nations Commission on the Status of Women sa New York, kung saan naroon ang Pangulo para sa dalawang araw na state visit.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang patuloy na paghuhubog ng mga Pilipina sa demokrasya, ekonomiya, at karakter ng bansa.

 

Sa kabilang banda, kinilala rin ni Marcos ang mga pagsubok na kinakaharap ng kababaihan, kabilang ang diskriminasyon, karahasan, at limitadong access sa mga oportunidad.

 

Mananatili ang punong ehekutibo sa Estados Unidos hanggang bukas.

About The Author