Ipinakukunsidera ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa gobyerno ang pagbibigay ng insentibo sa mga mamamayan na tutugon sa panawagang magtipid ng tubig lalo na ngayong nararanasan ang El Niño.
Sinabi ni Legarda na kailangang magtipid ang publiko sa paggamit ng tubig lalo’t sa ulat ay bumababa ang water level sa Angat Dam.
Binigyang-diin ng senador na kailangan ng agarang aksyon at tiyaking tama ang paggamit ng tubig dahil sa nararanasang El Niño na tatagal hanggang sa mga susunod na buwan.
Nanawagan din ang senadora sa mga ahensya ng gobyerno na pangunahan ang mga aksyon para mabawasan ang epekto nito.
Dapat din anyang samantalahin ang pagbuhos ng ulan at kolektahin ang tubig na maaaring gamitin pandilig sa mga halaman at pang flush sa mga toilet. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News