dzme1530.ph

Pagbebenta ng smuggled na asukal sa Kadiwa stores, hindi pa tiyak!

Hindi pa tiyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung kailan mailalabas sa mga Kadiwa store ang mga smuggled o puslit na asukal.

Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, lumagda na ng kasunduan hinggil dito ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang linggo.

Aniya masusi ring pinaplano ang logistics at repacking ng naturang asukal.

Gayunman, sinabi ng opisyal na muli nilang isasailalim sa pagsusuri ang asukal bago ito ilabas sa merkado para masigurong ligtas na gamitin ng publiko. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author